Sabado, Hulyo 23, 2011

PULITIKA : KORAPSYON AT KAHIRAPAN

Ano nga ba ang tunay na dahilan,
Kung bakit ikaw ay pinag-aagawan,
Kakampi ka nga ba o isang kalaban,
'Yan ang tanong ng aking murang isipan?

Kasabay ng pag-unlad ng ating bayan,
Ang di matapos-tapos na kahirapan,
Nasaan na ang pangakong binitiwan,
Na kahirapan ay kanyang solusyonan.

Mga mayayaman na sadyang mapaghusga,
Mahihirap lalong binabaon nila,
Sa halip tulungan,tinutulak pa nga,
Sugat sa puso ay lalong nanariwa.

Tao! Hanggang kailan ka ba aasa?
Na tulungan at kaawaan ng iba?
Kung mayro'n ka rin lang namang magagawa,
Bakit kailangan mo pang tumunganga?

9 (na) komento:

  1. hi po.. pwedi ku po bang maggamit ang iyong tula. post ko lang sa Facebook kasi pinaasa din po kami ng mga politiko saming bayan. nais ko lamang pong mapansin nla ang aming daang hindi ma ayos ayos..

    TumugonBurahin
  2. Yes that's true. In the present day that is what happening now.

    TumugonBurahin
  3. Maaari ko ba itong gamitin para sa aking munting presentation sa paaralan? Pasasalamat ang hatid sa inyong pag unlak.

    TumugonBurahin
  4. pwede po ba namin gamitin to may ilalabas kameng song para sa mga kurap na pulitika

    TumugonBurahin
  5. maaari ko ba itong gamitin para sa aking kritik sa Filipino?

    TumugonBurahin
  6. Maaari ko ba itong gamitin para sa aking presentation sa paaralan? Salamat

    TumugonBurahin
  7. maari ko po bang magamit ang iyong tula?

    TumugonBurahin